Alam mo bang maraming bagay ang maaaring makadagdag ng chance na magka-heart attack ang isang tao?
Hindi lahat ng heart attack ay nagsisimula sa biglaang paninikip ng dibdib na karaniwang ipinapakita sa tv.
Upang malaman at maiwasan ang mga ito, narito ang ilang sintomas na ang tao ay maaaring magka-heart attack:
Una, madalas ka bang depress? Baka hindi lang basta depression ‘yan, baka naman anxiety na ‘yan na maaaring magdulot ng heart attack.
Pangalawa, naninikip ba ang iyong dibdib? Bago ang atake, at parang hinahabol mo ang iyong paghinga, hindi ito dapat na ipagsawalang-bahala sa una at hindi natin alam na iyon ang unang senyales ng atake sa puso.
Hindi ba mawala ang iyong ubo? Agapan mo na agad dahil baka senyales na ‘yan ng heart attack.
Ikaw ba’y nakakaranas ng sobrang pagod? Baka fatigue na ‘yan. Sa pag-urong ng arteries, ang puso ay hindi maayos na nakatatanggap ng sapat na suplay ng dugo kaya naman nahihirapan ito na nagiging dahilan kaya tayo nakararamdam ng pagod at antok ng madalas.
Kabilang rin d’yan ang pagsusuka, pananakit ng katawan, iregularidad ng pulso at pamamaga ng ilang bahagi ng katawan.
Mas mainam na ang may alam, kaysa sa bandang huli, ikaw ay magsisi.