Isang magandang oportunidad at mga prospect ng kumpanya ang inilahad kamakailan lamang ni Ashish Pisharodi, ang head ng Mondelez Philippines.
Sa loob ng dalawampung taong kasanayan sa sales operations at strategy customer management, marketing at trade marketing, patuloy na lumalago at umuunlad ang Mondelez Philippines at nakikipag-kompetensya sa iba pang snacking powerhouse sa bansa.
Ani Pisharodi, mapalad daw umano siya na makatira ng ilang taon sa Pilipinas at makita kung gaano kamahal ng mga Pilipino ang pagkakaroon ng merienda.
Inilahad rin niya ang mga kapamaraanan kung paano nakipag-kompetensya ang kompanya kahit na patuloy pa nitong pinapalago ang marketing strategy nito.
Naglunsad rin ang Mondelez ng panibago nitong produkto, ang Oreo Thins na tumatarget naman ng young adults sa merkado.
Ilan sa mga priodukto ng Mondelez ay tang powdered juice, eden cheese, mayonnaise at sandwich spread, oreo cookies, toblerone at cadburry milk chocolate.
Ang Mondelez Philippines ay dating Kraft Foods Philippines at nagsimula sa Pilipinas noon pang 1963.