Pwede na ulit magsagawa ng field trip activities ang mga mag-aaral sa kolehiyo at unibersidad matapos bawiin ng Commission on Higher Education (CHED) ang ipinatupad na moratorium noong nakaraang Pebrero.
Ayon kay CHED commissioner Prospero de Vera, tinanggal ang moratorium nitong Agosto a-otso, 15 araw matapos ilathala ang desisyon noong Hulyo sa ginanap na press briefing sa MalacaƱang.
Sa kabila nito ay sinabi ni de Vera, magpapatupad ang CHED ng mas mahigpit na patakaran sa pagsasagawa ng field trip.
Ang moratorium sa field trip ng CHED ay ipinatupad noong Pebrero kasunod ng malagim na aksidente ng isang bus na sinakyan ng mga mag-aaral ng Bestlink College sa Novaliches, Quezon City kung saan higit sampung mag-aaral ang nasawi.