Sa North Korea…
Idinetalye ng North Korea ang banta nitong pag-atake sa Guam.
Ayon sa Pyongyang, magpipinal na umano sila ng plano sa kalagitnaan ng Agosto upang magpaputok ng apat na mid-range missile na maaring tumama ng tatlumpo hanggang apatnapung kilometro sa karagatan malapit sa isla.
Inisnab din ng North Korea ang mga banta ni US President Donald Trump.
Matatandaang nasa Guam ang base militar ng Amerika kabilang ang isang submarine squadron, isang airbase at coast guard group.