Opisyal na binuksan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang kaunahang One-Stop Service Center para sa mga Overseas Filipino Workers (OSSCO) sa Lunsod ng Davao nakaraang Biyernes, Agosto 11 sa ikalimang palapag ng Gaisano Mall ng Davao.
Panglabing-apat ang naturang OFW service center sa bansa alinsunod sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibahay ang lahat ng pangunahing ahensiya ng gobyerno sa iisang service center upang matulungan ang mga OFWs na makatipid ng pera at panahon sa pagproseso ng mga kinakailangang dokumento bago makapagtrabaho sa ibang bansa o sa panahon ng kanilang pagbalik sa kanilang pamilya.
Pumayag naman ang Gaisano Mall ng Davao president James Gaisano na ipasantabi ang lahat ng operating cost ng service center kabilang ang monthly rental fee, paggamit sa mga service area, ang pagbili at paglagay ng bagong air conditioning unit, mga mesa at upuan at iba pang mga amenidad maliban sa bayad ng kuryente.