PINAS

OWWA 7, naglunsad ng ‘Search for 2017 Model OFW Family’

Tumatanggap  ngayon ang Overseas Welfare Administration (OWWA) 7 ng mga nominasyon para sa Search for Model OFW Family of the Year Awardees (MOFYA) 2017.

Layunin ng naturang programa na makilala ang namumukod-tanging kontribusyon at tagumpay ng mga overseas Filipino workers (OFWs) at ng kanilang pamilya.

Ang mga kandidato para sa nominasyon ay mga pamilyang OFW na naninirahan sa Central Visayas kabilang ang Cebu, Bohol, Negros Oriental at Siquijor.