Arestado ang tatlo katao matapos makuha sa kanila ang shabu na aabot sa limang milyong piso.
Naaresto ng anti-narcotics agents ng Philippine Drug Enforcement Agency Cordillera sina Brian Leonille Valdes Dris, alyas Tisoy / Junel, 30 anyos online seller / ESL teacher, at residente ng Asin Rd., Baguio City, Aaron Paul de Guzman Vergara, 26 anyos alyas Nikko, residente BGH Compound, Baguio City , 23-anyos at isang senior citizen residente ng Asin Rd., Baguio City.
Nabatid na aabot sa P525,000 ng shabu ang nasamsam na nakatakda na sanang idiliber sa kanilang mga parokyano sa nasabing lungsod.
Kinasuhan na ng paglabag ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga suspek at pansamantalang nakadetine sa PDEA-CAR detention facility.