PINAS

P5-M, iniabot ni Robin Padilla sa Malakanyang para sa mga batang Marawi

Personal na iniabot ng aktor na si Robin Padilla ang tulong nito para sa mga batang naapektuhan sa kaguluhan sa Marawi.

Nagkakahalaga ng limang milyong piso ang kaniyang donasyon na personal na sinaksihan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pag turn-over ng deed of donation kay Social Welfare Assistant Secretary Rodolfo Santos na ginanap sa Malakanyang.

Ang kontribusyon na iniabot ni Padilla ay gagamitin para sa psychosocial intervention o programa ng pamahalaan para sa mental health ng mga batang naapektuhan sa armed conflict sa Marawi.

Matatandaan na isa sa hinaharap na krisis sa Marawi ang mental health ng mga naapektuhan sa madugong kaguluhan sa Islamic city dulot ng mga militante.

Present din sa turn-over ceremony sina National Defense Secretary Delfin Lorenzana, Trade Secretary Ramon Lopez at AFP chief of staff Eduardo Año.