PINAS

Pacquiao-Horn rematch, posibleng sa 2018 pa

Posibleng sa 2018 pa matuloy ang rematch sa pagitan nina Manny Pacquiao at Jeff Horn.

Ayon kay Top Rank promoter Bob Arum, kung itutuloy ang rematch ngayong Nobyembre ay wala nang oras para makapag-ensayo ang senador.

Nakasalalay kay Pacquiao ang laban nilang dalawa ni Horn na gustong gawin ang laban dito sa Pilipinas.

Pero para kay Arum ay imposible ito dahil napagkasunduan sa kontrata na sa Brisbane lamang gaganapin ang Pac-Horn Two.