PINAS

Pag-transport ng mga live stock poultry products  sa NAIA cargo terminals, hinigpitan

Minimonitor ng Bureau of Animal Industry (BAI) sa Ninoy Aquino International Cargo Terminals ang posibleng pag-transport ng mga livestock poultry product partikular na ang may kontaminado ng virus palabas ng Metro Manila.

Ang naturang paghihigpit sa NAIA cargo ay kasunod sa bird flu virus outbreak sa Pampanga at alinsunod na rin sa kautusan ng Department of Agriculture (DA).

Sa inilabas na Memorandum Circular 09 ng DA, ipinagbabawal na muna ang pagta-transport o pagdadala ng mga live domestic, at wild birds, o poultry meat, day old chicken, eggs at semen.

Kabilang ang Philippine Airlines, Cebu Pacific at Air Asia na may mga guidelines na sinusunod hinggil sa naturang kautusan.

Agad namang ipapaalam sa Bureau of Quarantine (BOQ) at Bureau of Animal Industry (BAI) ang mga may dalang poultry product para sa masusing interogasyon.