Hindi makatulog sa gabi?
Narito ang isang paraan upang matugunan ang iyong problema.
May mga pagkakataon na dahil sa stress sa trabaho at sa ating paligid ay nahihirapan ang ating katawan na makapagpahinga lalo na sa gabi.
Ito na ay kadalasang nagreresulta sa kawalan ng sigla at maaaring makapagdulot ng problema sa kalusugan tulad ng obesity, diabetes at cancer.
Ang saging ay mayaman sa potassium at magnesium na nakatutulong sa ating nervous system.
Nakapagpaparelax din ito ng ating muscles kaya naman mainam ito para sa mga nagnanais na magkaroon ng maayos na tulog sa gabi.
Para sa paggawa nito, pakuluan lamang ang dalawang slice ng saging kabilang na ang balat nito sa isang tasang tubig ng limang minuto.
Pagkatapos nito, maaari mo nang inumin ito na parang tsaa.
Gawin gabi-gabi bago matulog para magkaroon ng maayos at masaganang tulog.