PINAS

Pagkakatalaga ni Lapeña sa BOC, pinaboran ng mga senador

Ni: Jannette Africano

Sang-ayon ang ilang senador sa pagkakatalaga bilang bagong Bureau of Customs (BOC) Commissioner Isidro Lapeña bilang kapalit ng nagresign na si Nicanor Faeldon.

Ayon kay Sen. Richard Gordon na syang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, isa lamang ang senyales ng pagkakatalaga kay Lapeña na dapat ay pigilan nito ang pagpasok ng mga kontrabando sa Aduana particular na ang iligal na droga.

Maging si Sen. Panfilo Lacson ay boto na si Isidro ang kapalit ni Faeldon sa Customs.

Umaasa ang senador na hindi kakainin ng lumang sistema ng BOC ang bagong talagang hepe ng ahensya.

Maging si Sen. Tito Sotto ay naniniwalang kayang hawakan ni lapena ang isyu ng smuggling at ilegal drugs sa BOC gayong galing sa pagiging director ng Philippine Drugs Enforcment Agency (PDEA).

Samantala inaasahang magkakaroon ng privilege speech si Sen. Lacson kaugnay sa sinasabing bagman ni Faeldon na tumatanggap ng payola mula sa Customs broker na si Mark Taguba.