PINAS

Pagkakatalaga ni Lapeña sa BOC, pinaboran ng mga senador

Sang-ayon ang ilang senador sa pagkakatalaga bilang bagong Bureau of Customs (BOC) Commissioner Isidro Lapeña bilang kapalit ng nagresign na si commissioner Nicanor Faeldon.

Ayon kay Sen. Richard Gordon na siyang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, isa lamang ang senyales na pagkakatalaga kay Lapeña na dapat ay pigilan nito ang pagpasok ng mga kontrabando sa Aduana particular na ang iligal na droga.

Maging si Sen. Pnafilo Lacson ay boto na si Lapeña ang kapalit ni Faeldon sa Customs.

Umaasa ang senador na hindi kakainin ng lumang sistema ng BOC ang bagong talagang hepe ng ahensya.