Sa Amerika…
Dinepensahan ni US President Donald Trump na huwag tanggalin ang mga magagandang istatwa sa Amerika kagaya na lamang ng istatwa ni Robert Lee, isang heneral na lumaban para sa mga alipin noong US civil war.
Sa isang tweet, ipinahayag ni Trump na nalulungkot umano siya na nasisira ang history ng kultura ng Amerika dahil sa gustong ipatanggal ang mga istatwang ito.
Matatandaang kamakailan ay nagkaroon ng madugong rally upang tanggalin ang nasabing istatwa.
Ang rally na ito ay nagdulot ng pagkamatay ng isang babae at pagkakasugat ng labindalawang iba pa.