Kinilala ng Malakanyang ang hindi matatawarang kontribusyon ni Judy Taguiwalo bilang kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ito ay matapos ibasura ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) ang pagtalaga kay Taguiwalo bilang DSWD secretary.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, ikinalulungkot nito ang naging desisyon ng CA.
Gayunpaman,pinag-aaralan pa Ni Pangulong Rodrigo Duterte kung sino ang ipapalit nito kay Taguiwalo.
Naniniwala naman si Presidential Communications Secretary Martin Andanar na hindi maapektuhan ang mga naiwang proyekto ni Taguiwalo sa DSWD lalo na ang ayuda na ginagawa nito para sa mga naapektuhan sa kaguluhan sa Marawi City.