May kalayaan ang sinuman kahit pa mga kaalyado ng Pangulong Rodrigo Duterte na maghain ng reklamo sa kahit sinong impeachable official ng pamahalaan.
Ito ang tiniyak ni Presidential communications assistant secretary Ana Marie Banaag sa press briefing sa MalacaƱang.
Ipinunto din ni Banaag ang pagkakaroon ng seperasyon ng mga sangay ng pamahalaan at nirerespeto ang mandato nito.
Una nang naghain sa kamara ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na kilalang supporter ng Pangulong Duterte ng impeachment complaint laban kay Supreme Court chief justice Maria Lourdes Sereno.
May ilang grounds na ipinunto ang VACC na nakita ng grupo na mainam na basehan para ma-impeach ang chief justice at isa na dito ang hindi paghayag ng katotohanan sa kaniyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).
Sa kabila nito ay walang kongresistang nakumbinse ang VACC para mag-endorso ng impeachment complaint para maisulong ito at pagdebatehan ng mga mambabatas.