Naniniwala si Senador Sherwin Gatchalian na na-miskalkula lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lawak ng problema ng iligal na droga sa bansa nang mangako ito na susugpuin sa loob lamang ng talo hanggang anim na buwan.
Una nang binawi ng pangulo ang kanyang pangako noong kampanya na pupuksain ang iligal na droga sa loob ng anim na buwan.
Sinabi niyang hindi niya inaasahan na ganito kalala ang problema ng bansa sa iligal na droga.
Sinabi ni Gatchalian na sa pagdating ng mga impormasyon sa pangulo, posibleng nagkaroon na ito ng kumpletong larawan kung gaano kalawak ang problema ng iligal na droga sa bansa.
Para naman kay Senate Majority Floor Leader Tito Sotto na imposible talagang mangyari ang sinasabi ng pangulo na susugpuin ang iligal na droga sa loob lamang ng tatlo hanggang anim na buwan.
Ayon kay Sotto maaari lamang na labanan ang pagkalat nito sa bansa ngunit hindi ang pagkakaroon ng “Drug free Philippines.”
Ayon naman kay Sen. Kiko Pangilinan ang pangulo ng Liberal Party, hindi naman solusyon ang patayan upang maresolba ang iligal na droga sa bansa.
Noong isang araw ay tatlumpu’t dalawa ang patay sa Bulacan at dalawampu’t lima naman sa Maynila kahapon dahil sa police operation ng PNP sa iligal drugs.