PINAS

Pangulong Duterte, nagpasaring sa isang opisyal na laging naka-first class trip

Ni: Hannah Jane Sancho

Isang mataas na opisyal ang pinasaringan ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil na rin sa pagiging maluho at magarbo.

Isang blind item ang ginawa ng pangulo sa kaniyang talumpati sa dinner na ibinigay nito sa mga miyembro ng Dragon Boat Team ng Philippine Airforce ng Malakanyang.

Pinuna ng pangulo ang mga naging biyahe ng isang mataas na opisyal na hindi bahagi ng ehekutibo na naka-first class at sa isang mamahaling hotel nagpapacheck-in.

Sinabi din ng pangulo na kaniyang ilalantad ang nasabing high ranking government official pagdating ng takdang panahon.

Hindi man binanggit ng pangulo ang pangalan ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno, ito naman ay kasalukuyang nahaharap ito ng impeachment complaint dahil sa umano’y mamahaling bullet-proof na sasakyan, madalas na pagbiyahe na first-class at pagcheck-in sa mga mamahaling hotel.