Sa Qatar…
Naglabas ng panibagong permanent residents status ang Qatar sa ilang grupo ng dayuhang naninirahan at nagtatrabaho para sa benepisyo ng emirate.
Ang hakbang na ito ay inaprubahan ng mga cabinet members kung saan libu-libong mga foreign residents ang maapektuhan.
Sa ilalim ng bagong patakarang ito, mabebenepisyuhan ang mga batang may inang Qatari at amang dayuhan kasama na ang mga dayuhang residenteng nagbibigay serbisyo at ipinapagamit ang kanilang skills sa Qatar.