PINAS

Panibagong terror threat sa Australia, nadiskubre 

Sa Australia…

Dalawang lalaking kinasuhan ng terorismo sa Australia ang nadiskubreng may dalawa ring magkahiwalay na plano para pabagsakin ang isang eroplano ron.

Isa sa mga plano ay ang paglalagay ng improvised explosive deviceo (ied) sa Etihad flight na palabas ng Sydney, Australia.

Ang isa namang plano ay ang paglalagay ng chemical dispersion device sa eroplano.

Pero ayon sa mga otoridad ay hindi naman ito natuloy.