Nagpositibo sa paraffin test ang nasawing si Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog, Sr.
Ayon kay PNP Spokesperson chief superintendent Dionardo Carlos, sa labing-limang nasawi, walo ang pumayag na isailalim ang bangkay sa paraffin test habang pito naman ang tumanggi.
Base naman sa autopsy report na isinagawa rin ng PNP, nasawi si Parojinog dahil sa isang tama ng bala sa ulo at isa naman sa dibdib.
Namatay naman ang mga kaanak ng alkalde na sina Susan, Mona, at Octavio Parojinog, Jr., dahil sa tinamong sugat mula sa isang pampasabog.
Tiniyak naman ni Carlos na tuloy pa rin ang imbestigasyon sa nangyaring madugong raid.
Pero ang mga resulta aniya ng otopsiya at paraffin test ay nagsasabing nanlaban umano ang mga Parojinog.