PINAS

Patricia, itinangging humihingi ng P620-M kay Comelec chair Andres Bautista

Pinas News

Patricia, Itinanggi ng asawa ni Commission on Elections (Comelec) chairman Andres Bautista na humihingi siya ng 620 milyong piso bilang settlement.

Ayon kay ginang Patricia Bautista, ang kanyang hinihingi ay bilang trust fund sa kanilang mga anak.

Aniya, pumayag ang Comelec chairman sa settlement pero ginawa umano itong ransom at ang kapalit ay ang pagpirma niya sa statement na nagsasabing walang ilegal sa nasabing halaga ng pera.

Paliwanag ng ginang, gusto lang niyang kunin kung ano ang dapat sa kanya matapos ang 17 taong pagsasama nilang mag-asawa kasama ang kanilang apat na anak.

Matatandaang inaakusahan ni ginang Bautista ang Comelec chairman ng umano’y isang bilyong pisong tagong yaman.