Bumisita si Agriculture secretary Manny Piñol sa San Luis, Pampanga.
Ito ay upang makipagdayalogo sa mga poultry owner at stakeholders na naapektuhan ng bird flu outbreak.
Sa pagdating ng kalihim sa probinsya, kumain ito ng poultry products kasama ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Pampanga upang patunayan na ligtas kumain ng manok sa kabila ng outbreak.
Umikot din si Piñol sa mga checkpoint sa probinsya.
Iinspeksyunin din ng mga opisyal ng DA ang operasyon sa ground zero sa lugar.
Sinabi ng kalihim na maglalaan ng limampung milyong loan program ang gobyerno para sa mga may-ari ng poultry farm na apektado ng outbreak.