Hinulaan ng isang lalaki sa Tennessee na kumukuha ng video ng isang nasirang malaking punong kahoy na matutumba ito.
Sinabi ni Keith Young sa video na malamang natamaan ang malaking puno ng kidlat at maaaring hindi magtagal ay matutumba na ito.
Bago pa man matapos ang pagsasalita ni Young ay may narinig na itong may pumitik at biglang natumba nga ang puno direkta sa itaas ng trailer nito at aniya mabuti na lamang at wala siya sa loob ng sasakyan na plano sana nitong ilipat ng lugar.