PINAS

Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, engaged na

Matapos ang limang taon bilang magkarelasyon, magpapakasal na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.

Sa kaniyang instagram post, ibinahagi ni Sarah ang ‘snapshot’ ng kanilang engagement ni Richard na nangyari sa New Zealand.

Sinabi naman ni Richard na looking forward siyang makasama sa next chapter ng kaniyang buhay si Sarah.

May isa ng anak ang dalawa na si Baby Zion.