Libu-libong mga pasahero ng Philippine Airlines at Cebu Pacific na may biyaheng Cebu ang posibleng maapektuhan dahil sa pansamantalang pagsasara ng runway ng Mactan International Airport sa Agosto onse.
Ito’y dahil sa gagawing pagsasaayos sa naturang runway na mula alas-dos y medya ng madaling araw hangang alas-otso ng umaga.
Dahil dito, ilan sa mga scheduled flight ng PAL sa Cebu ay magkakaron ng pagbabago o madi-delay.
Kabilang na dito ang mga may biyaheng Cebu o vice versa mula Manila, Davao, Puerto Princesa, Tagbilaran, Caticlan, Clark, Ilo-Ilo, Surigao, Cebu, Bacolod, Gensan at ang international flights nilang Cebu-Narita pabalik.
Kaugnay nito, una na rin nagpalabas ng anunsiyo ang Cebu Pacific kung saan dalawampu’t siyam na mga flights biyaheng Cebu ang kanselado dulot pa rin sa pagri-repair sa Mactain runway airport.
Kabilang sa mga ikakanselang flight ng Cebu ay ang mula sa Cebu patungong Manila, Clark, Davao, Cagayan De Oro, Hongkong, Bacolod, Camiguin, Ilo-Ilo, Orcmoc at Caticlan.
Habang madi-delay naman ang mga flights ng Cebu Pacific biyaheng Cebu na mula o papuntang Singapore, Taipei, Kalibo, Zamboanga, Davao, Siargao, Tacloban at Butuan.
Pinapayuhan naman ang mga apektadong pasahero na agad makipag-ugnayan sa tanggapan ng mga naturang airlines.