PINAS

Sampung bus station sa kahabaan ng EDSA, ipinasara ng MMDA

Sampung bus station mula sa kahabaan ng EDSA ang ipinasara ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA nitong araw ng Huwebes.

Ito’y may kaugnayan sa kabiguang sundin ang panuntunan ng ahensiya sa programa nitong “Nose In, Nose Out Policy”.

Saklaw ng closure ang mga terminal ng ES Transport, Lucena Lines, Golden Bee Transport, Amihan Bus Lines, First North Luzon, Golden Bee, Jac Liner, Five Star at Philtranco.

Ayon kay MMDA chairman Danilo Lim, kabilang sa aniya’y mga karaniwang paglabag ng mga naturang terminal ay ang kawalan ng business permit na siyang labag din sa panunutunan ng local government unit ng Quezon City.

Samantala, upang hindi na muling makapag-operate pa ang mga naturang terminal, inatasan na ni Lim ang kaniyang mga tauhan ang mahigpit na pagbabantay sa mga ito.