Itinanggi ni Foreign Affairs secretary Alan Peter Cayetano ang alegasyon ni Supreme Court Justice Antonio Carpio na sinasakop ng China ang teritoryo ng bansa.
Ayon kay Cayetano, mali ang konklusyon ni Carpio.
Isa sa tinukoy ni Cayetano ang pahayag ni Carpio na sinakop na ng China ang Sandy Cay – ang sandbar na sa Pagasa Island.
Pero hindi naman nagdetalye si Cayetano kung bakit nito nasabing hindi sinasakop ng China ang nasabing sandbar.
Aniya, posibleng makaapekto sa diplomatic talks sa China ang pagtalakay sa sigalot sa teritoryo sa harap ng media.
Tiniyak ni Cayetano na kontrolado ng DFA ang sitwasyon at hindi nito isusuko maging ang kaliit-liitang bahagi ng teritoryo ng bansa.