Naniniwala si Senador Francis “Chiz” Escudero na maipagpapaliban ang imbestigasyon ng senado sa mga bank account ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista.
Ito ay matapos may mag-endorsong mga kongresista sa inihaing impeachment complaint laban kay Bautista.
Ani Escudero, ngayong may nag-endorso na ng impeachment complaint laban kay Bautista ay obligado na itong iproseso ng kamara.
Sa pagdinig ng senado sa bank accounts ni Bautista ay hinimok nito ang Comelec chairman na personal na dumalo sa susunod sanang pagdinig at maglabas ng waiver para mabusisi ang kanyang bank accounts.
Ang impeachment complaint kontra kay Bautista ay inihain ni dating Congressman Jacinto Paras at Atty. Ferdinand Topacio.
Ilan sa grounds for impeachment ang mga akusasyong may tagong yaman si Bautista at ang ‘Comeleak.’