Tumanggap ng parangal na Most Outstanding Regional Partner for Implementing BSP Advocacy on the Conduct of Public Information Campaigns ang DWAY 1332 Sonshine Radio Cabanatuan.
Si Felipe Medulla, monetary board member ng BSP at Iluminada Sicat, managing director for regional monetary affairs sub-sector ang naggawad ng Golden Eagle Awards kung saan si Jay Mendoza, ang radio and tv group head ng Sonshine Media Network International ang tumanggap ng nasabing award bilang kinatawan ni Pastor Apollo C. Quiboloy, ang president at CEO ng SMNI.
Ilan rin sa mga naging awardee ng Bangko Sentral Cabanatuan branch ay ang Baliwag Transit Inc, Sunjin Philippines Corporation, Provincial Tourism Office ng lalawigan ng Aurora, BPI Cabanatuan Cash Center, United Coconut Planters Bank – Angeles, Security Bank Corporation, Department of Trade Bataan, Department of Social Welfare and Development (DSWD) Talavera.
Natanggap ng bawat awardee ang “dynamic balance Philippine eagle trophy” na likha ng visual artist at multi-awarded sculptor na si Ferdinand Cacnio.
Higit pa rito, nagpapatuloy naman ang adbokasiya ng Sonshine Radio na maging kapartner ng bawat ahensya ng pamahalaan na maghatid ng mga impormasyon at serbisyo para sa bayan.