Pinatalsik ang isang matagal ng communications chief sa New York state court matapos na sinabi nitong “barely” ang pagpasok nito sa trabaho na may sweldong aabot ng $166,000 bawat taon.
Sa isang panayam sa pahayagan ng New York Post, sinabi ni David Bookstavers, 58-taong gulang, na wala umano itong ginagawa at halos hindi ito pumapasok sa trabaho sa $166,000 halaga ng suweldo nito sa isang taon.
Plano sana ni Bookstaver na magretiro sa buwan ng Oktubre ngunit nang malaman ng naturang tanggapan ang panayam ay pinatalsik ito bilang kabayaran sa pang-aabusong ginawa.