Pumanaw na ang talent manager na si Alfie Lorenzo matapos atakihin sa puso.
Binawian ito ng buhay kaninang pasado alas dos ng umaga sa san juan de Dios Hospital.
Nakaramdam daw ng pananakit ng dibdib si Alfie habang nasa Solaire Resort sa Pasay.
Isinugod siya sa San Juan de Dios Hospital pero hindi na kinaya pang maisalba ang buhay ng 78 years old na talent manager.
Ang kanyang anak-anakan at isa sa pinakamatagal na naging talent na si Judy Ann Santos ang nag-aayos ngayon ng kanyang burol.