Inanunsyo ng international singer na si Taylor Swift ang kanyang bagong album na ‘Reputation’ matapos ang kanyang pagkakapanalo sa kaso laban sa isang radio dj na nambastos umano sa kanya.
Sa Instagram post ni Taylor, ipinakita nito ang tila cover ng kanyang album na nakatakdang ilabas sa Nobyembre a-diyes.
Ito na ang ika-anim na album ng singer kung saan ang huli ay noon pang taong 2014.
Natuwa naman ang fans ni Taylor sa balita kung saan nag-trending pa sa twitter ang pangalan ng singer.