Napilayan ang Hollywood actor na si Tom Cruise habang isinasagawa ang shooting ng upcoming movie na ‘Mission Impossible 6.’
Ayon sa Paramount Production, napilayan sa bukong-bukong ang aktor dahil sa paggawa nito ng sariling stunts sa pelikula.
Tumalon kasi ang beteranong aktor sa bubungan ng mataas na gusali at hindi naging maganda ang bagsak nito.
Dahil dito, pansamantalang itinigil ang shooting ng pelikula habang nagpapagaling ang aktor.
Gayunman, tiniyak ng Paramount na tuloy pa rin ang pagpapalabas ng pelikula sa Hulyo 27, 2018.