Hindi na pahihintulutan pang makapasok sa North Korea simula sa Setyembre 1 ang mga may pasaporte sa Amerika ayon sa isang pahayag na inilabas ng US State Department.
Ayon kay Sec. Rex Tillerson ng Amerika, kinakailangan na rin umano umalis sa North Korea ng mga Amerikano bago pa man magsimula ang restriction sa susunod na buwan.
Pero maaari naman umano magkaroon ng exemption ang mga mamamahayag at humanitarian workers para rito.