Sa Amerika…
Nagpahayag ng pagsuporta si US President Donald Trump sa Afghanistan.
Sa isang talumpati, sinabi ni Trump na hindi niya agad-agad na ipu-pullout ang mga tropa ng Amerika sa Afghanistan.
Paliwanag nito, lalong titindi ang terorismo sa lugar kung mawawala ang presensya ng US forces.
Magkakaroon aniya ang Amerika ng time-based approach sa Afghanistan base sa conditions on the ground.
Wala ring deadline na itinakda si Trump.
Nagbabala naman si Trump sa pakistan at sinabing hindi na nito kukunsintihin ang bansa na nag-aalok ng kanlungan sa mga terorista.