Sa Guam…
Hindi naman umano naapektuhan ang mga turista na bumibisita sa Guam.
Ayon kay Won Hyung Jin ng South Korean Travel Agency, ang ilang sa mga kostumer at turista ay tumatawag dahil sa kanilang mga concerns at hindi para i-cancel ang kanilang pagbisita sa tropikal na isla.
Ani Won, insensitive na umano ang mga turista sa nagaganap na tensyon sa pagitan ng Amerika at North Korea.
Matatandaang ang Guam ay mayroong kabuuang 1.5 milyong turista noong nakaraang taon at halos 1/3 na trabaho rito ay napapaloob sa industriya ng turismo.