PINAS

Walang magaganap na giyera sa Korean Peninsula – Pres. Moon Jae-in

Sa South Korea…

Inihayag ni South Korean President Moon Jae-in na hindi nito hahayaang magkaroon ng gulo at giyera sa palibot ng buong Korea.

Bilang marka ng kaniyang ika-isandaang araw sa opisina, sinabi ni President Moon na kailangang magkaisa ang mga south korean upang muling isaayos ang bansa mula sa giyera noon.

Dagdag pa nito, wala umanong mangyayaring pag-atake sa North Korea ang Amerika ng walang konsultasyon mula sa South Korea alinsunod sa napagkasunduan nito.

Matatandaang nagkakainitan ngayon ang Amerika at North Korea dahil sa pagpapahayag ng plano ng NoKor na missile attack sa Guam.