Posibleng sabay na isalang sa pagdinig ng kamara ang dalawang impeachment complaint na inihain laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ito ang nakikita ni Justice committee chairman Reynaldo Umali isang araw matapos na pormal nang nakakuha ng endorsement mula sa mga kongresista ang isa sa dalawang reklamo sa punong mahistrado.
Ayon kay Umali, oras na magkasabay ang dalawang impeachment complaint na nai-refer sa kanyang komite ay sabay rin itong didingin.
Agad din umanong bubuo ang justice committee ng consolidated report at article of impeachment kapag napatunayang sufficient in form at substance ang impeachment complaints laban kay Sereno.
Ito umano ay iaakyat sa plenaryo kung talagang itutuloy ng kamara ang pagpapa-impeach sa punong mahistrado at iaakyat naman sa senado para sa pagsisimula ng impeachment trial.