PINAS

Bella, mas kuminang dahil sa 100 Tula para kay Stella  

Ni: Eyesha N. Endar

Larawan ng isang box-office star si Bella Padilla dahil sa tagumpay ng pelikulang 100 Tula para kay Stella na kumita ng mahigit 100 milyon.

Janella, hindi pa umaaming sila na ni Elmo

 Hindi pa handa ang young actress na si Janella Salvador na pag-usapan ang kanyang lovelife.

Marami ang interesadong malaman kung ano ang tunay na status ng relasyon nila ng aktor na si Elmo Magalona lalo na’t malapit nang ipalabas ang kanilang pelikula na “My Fairy Tail Love Story.”

Pero ayaw pag-usapan ito ng dalaga.  Kamakailan lamang ay naglabas ng saloobin ang ina ni Janella sa social media hinggil sa katigasan umano ng ulo ng young actress at ang pagiging bad influence ni Elmo sa kanyang anak.

Sinabi lang ni Janella na close friends at masaya sila ni Elmo.

Angelica pupunta sa ibang bansa nang hindi bongga

Nag-travel abroad ang maganda at magaling na actress na si Angelica Panganiban na back-pack lang ang dala.

Marami ang nag-aabang sa trip na ito ng dalaga dahil ito ang unang pagkakataon na maglalakbay ang actress nang hindi siya bongga.

Ang ginagawa ng mga backpacking travellers ay natutulog sa mga hindi mamahaling motel.

Dennis at Jennylyn palaging magkasama

Palaging magkasama ang magkasintahan na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo pati na rin ang kanilang pamilya.

Aminado naman ang aktor na naiisip na nila ang magpakasal.  Posible na umano itong mangyari dahil na rin sa kasalukuyang estado ng kanilang relasyon.

Ayon pa sa aktor, nasasabi na niyang masaya na sila sa kanilang relasyon kung kaya’t naiisip na nilang lumagay sa tahimik.

Aiko masaya sa tagumpay ng Wildflower

 Masaya ang aktres na si Aiko Melendez sa tagumpay ng “Wildflower” na pinagbibidahan ni Maja Salvador.

Challenging ang papel na ginampanan ng aktres bilang kontrabida dahil tumatak din ang papel niya sa mga televiewers bilang si Emilia Ardiente na kontrabida sa buhay ni Maja bilang si Ivy Aguas.

Pero binigyang diin niya na bagamat nangunguna sila sa rating ay hindi sila umi-ere para magpabagsak ng ibang show kundi  para magpasaya sa mga manonood.

Masaya umano sila na mas pinipili silang panoorin ng mga nakararami.

Marian hindi na apektado sa selos isyu-Roxanne

Matagal ng magkaibigan sina Roxanne Barcelo at Marian Rivera kaya aminado ang huli na kahit paano ay kilala niya ang aktres.

Ayon kay Roxanne naririnig niya na inu-uugnay na naman ang kanyang kaibigan sa selos isyu sa mga leading lady ni Dingdong.

Pero ayon kay Roxanne kung noon umanong mga bata pa sila medyo apektado si Marian pero ngayon secured na ang kanyang kaibigan.

Nilinaw rin niyang magaling lang mag-protekta si Marian ng mga taong mahal niya.

The Better Half matatapos na

Malapit ng mamamaalam sa ere ang “The Better Half” na pinagbibidahan nina Shaina Magdayao, Denise Laurel, JC de Vera at Carlo Aquino.

Aminado ang mga cast ng nasabing serye na mami-miss nila ang buong cast dahil parang pamilya na ang turingan nila sa isa’t isa mula sa mga crew hanggang sa mga big stars na kasama nila.

Hindi pa nila alam kung ano ang magiging ending nito pero siguradong gugulatin umano nila ang mga televiewer.

Nadine paborito ng basher

Paboritong-paborito ng mga basher na i-bash ang girlfriend ni James Reid na si Nadine Lustre.

Pero ayon sa mga fans ni Jadine hindi nakasalalay ang kinabukasan ng mga kabataan kay Nadine kaya dapat hindi nila dinidiktahan ang aktres sa mga ginagawa nito.

Hayaan umano nila na ang mga magulang ang siyang mag-gabay sa kanilang mga anak.