• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Wednesday - February 20, 2019

PINAS

Ang Bagong May-ari ng Mundo (Ikatlong Bahagi)

Sonspeak

Recent News:

  • Paggamit ng Dengvaxia Vaccine, tuluyan nang ipinagbawal ng food and drug administration
  • Ilang kawani ng national food authority, mawawalan ng trabaho
  • Agriculture Secretary, pangunahing may pananagutan at responsable sa rice fund – Malakanyang
  • Rice tariffication law bill, batas na
  • Mayorya ng mga Pinoy, naniniwalang konti na lamang ang mga gumagamit ng droga
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Internasyonal
  • Probinsyal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • Buhay
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • OFW
  • Opinyon
  • PINAS USA
  • PINAS CANADA

Aabangan ang gagawin ng bagong BOC chief

September 4, 2017 by PINAS


Asahan na natin na ‘all eyes’ ngayon ang mga customs insiders at mga negosyante, pati mga pulitiko, ang Malakanyang, at maging ang media sa pag-upo ng bagong talagang Customs Commissioner na si Isidro Lapeña.

Mabigat at kontrobersyal kasi ang hahawakan niyang pwesto na binakante ni dating Commissioner Nicanor Faeldon.  Marami siyang kailangang tutukan at agad na asikasuhin sa panimula ng kanyang panunungkulan.

Kabilang dito ang pagbuno ng P468-bilyong pisong target collection para sa 2017, ang pagsugpo sa smuggling, paglaban sa kultura ng korapsyon, ang pagtanggi sa mga kahilingan ng ilang mambabatas, problema sa proseso ng mga balikbayan boxes, pagpasok ng ilegal na droga, pagsugpo sa tara system o payola, at iba pa.

Isa rin sa binabantayan ngayon o hinihintay ay kung anu-anong mga pagbabago ang kanyang ipatutupad. Tulad na lang kung magdadala ba siya ng sarili niyang mga tauhan para palitan ang ilang nakapwesto, kung pananatilihin ba o bubuwagin niya ang ComCen o Command Center na binuo ni Faeldon, reshuffling, pagtanggal sa mga ‘haoshao’ employees, at marami pang iba.

Isa sa mga suhestyon ngayon pa lamang ay magtalaga daw dapat si Lapeña ng mahusay at friendly na spokesman or Public Information Officer.  No need to explain naman kasi na ang mahusay na spokesman ang makakatuwang ng ahensya para sa information dissemination, lalo na sa pagpapaliwang ng kanilang mga accomplishments, projects, at iba pa.

Kapag palpak daw kasi at hindi accessible ang information officer ay lilitaw sa mata ng publiko at sa mga nakatataas na hindi matagumpay ang liderato dahil hindi nakakarating sa mga kinauukulan ang mga magagandang ginagawa ng pamunuan.

So far, so good naman ang mga feedbacks na naglabasan sa ngayon kaugnay sa personal na pagkatao ni Lapeña .  Katunayan ay suportado siya ni Senate Majority Leader Tito Sotto na nagsabing well-versed ang bagong commissioner sa anti-illegal drug campaign at naniniwala din si Tito Sen na kaya ni Lapeña na sugpuin ang smuggling.

Sa sobrang tagal na daw sa serbisyo ni Lapeña mula sa ibat-ibang pwesto ay hindi daw ito nasangkot sa anumang kontrobersya o anomalya.

Umaasa naman si Senator Lacson na hindi kakainin ng sistema si Lapena, baka nga daw ang customs pa ang kainin ni Lapeña ?  Nagpahatid naman ng pagbati at good luck wish si Senator JV Ejercito.

Nanawagan naman si Senator Bam Aquino na sana daw ay tutukan ng BoC ang paglaban sa pagpasok ng mga ilegal na droga, lalo pa at si Lapeña ay matagal din aniya na naging Director sa Philippine Drug Enforcement Agency.

Naniniwala naman si Senator Franklin Drilon na ipapatupad o susunod sa batas si Lapeña na nakasaad sa kanyang mandato na ang BoC ay isang revenue-generating office.

Sa panig naman ni Senator Dick Gordon ay naniniwala ito na dapat silipin ni Lapena ang sistema sa ‘green lane’.  Nagagamit daw kasi ito sa smuggling na pinagkakakitaan ng ilang tiwaling opisyal.

Napabalita na rin na marami na ang mga opisyal at empleyado na ngayon pa lang ay ninenerbiyos na dahil may pronouncement na kasi si Lapeña na yung mga nasa maynila ay ia-assign nya sa probinsya at yung mga ‘promdi’ naman ang dadalhin sa Maynila.  Layunin aniya nito na maiwasan ang familiarization at mukhang may punto diyan si Lapeña .

By the way, si General Lapeña ay nagmula sa PMA Class 1973, dating Police Regional Office 11 Director na nakabase sa Davao City nuong Mayor pa lang si Pangulong Digong at marami pang mga magagandang pwesto sa gobyerno.   Kaya Mr.Commissioner, good luck po General, Sir!

Related posts:

  • Suportahan ang NIPAS, Proteksyunan ang Kalikasan
  • Ang halalang pambarangay at kampanya laban sa droga
  • Literasiya sa Siyensya
  • Cabanatuan Raid tumatak sa kasaysayan
  • Kung magpapakatotoo ang mga kandidato

Opinyon Slider Ticker Isidro Lapeña

Reader Interactions

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2019 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.