Sa Florida…
Nagpahayg ng paunang paglikas ang pamahalaan ng Florida dahil na rin sa anunsyo na may nabubuong malakas na hurricane sa Atlantic Coast.
Sa huling pahayag ng mga eksperto, sa Florida unang didirekta ang bagyo at kinakailangan ng lumikas ang halos libu-libong residente roon upang hindi matulad sa nangyari sa Texas kamakailan na binayo ng Bagyong Harvey.
Ayon sa National Hurricane Center, asahan umano ang malalakas at malalaking alon sa karagatan ng Haiti, Dominican Republic at Bahamas.
Pinaghahanda rin ang posibleng pagbaha sa ilang parte ng Puerto Rico, British at US Virgin Islands.