PINAS

Ang Madilim na Mundo ng North Korea

Ni: EZ Gallanosa 

“Don’t cry, everything will be fine,

While we have our leader, I will always be happy,

Dear Leader, we salute you from dawn to dusk.”

 Ito ang kantang itinuturo ng mga magulang sa kanilang anak sa North Korea.  Sa murang edad pa lamang, itinatatak na nila ang walang pag-iimbot na katapatan at pagmamahal sa kanilang lider, na itinituring na ‘ama ng bansa,’ at ‘eternal’ sa kanilang puso.

Walang pwedeng sumira sa imaheng iniingatan ng rehimen ng mga Kim.  Sa mga turista, mahigpit ang kanilang alituntuning dapat sundin.  Hindi pinapayagang lumakad nang mag-isa o mamasyal ng walang kasamang ‘guide’ o ‘chaperon’ upang mabantayan umano ‘ang magandang imahe ng North Korea sa mga dayuhan.’  Sa mata kasi ng mga pamunuan ng North Korea, ang lahat na dayuhan o turista ay ‘possible threat’ at kinakailangang matyagang maigi.  

Ang pinuno, ‘eternal’ na lider ng NoKor

Naluklok sa kapangyarihan bilang ‘supreme leader’ si Kim Jong Un matapos pumanaw ang kaniyang ama na si Kim Jong Il, noon ika-28 ng Disyembre, 2011.  Hawak niya ang titulong ‘Chairman of the State Affairs Commission,’ at ‘Supreme Commander of the Korean People’s Army.  Na-promote si Kim Jong Un bilang ‘Marshal of North Korea’ noong ika-18 ng Hulyo, taong 2012.  Mas kilala siya ng kaniyang nasasakupan bilang ‘Marshal Kim.’

Ang Propaganda

Base sa kanilang ‘doktrina,’  itinakda ni Marshal Kim na ang mamamayan ng NoKor ay mamumuhay nang marangya, sagana at masaya.

Kaya naman kabi-kabila ang mga pinapagawang ‘recreational sites’ upang magsaya ‘umano’ ang mga tao.  Maliban sa mga theme parks sa loob at paligid ng Pyongyang, nagpagawa rin siya ng horse-riding stables at ski resort na umabot ng $300 milyong dolyares ang gastos.  Subalit ayon kay Kim K. I., dating bodyguard ng mga Kim, sa milyong tao ng NoKor, nasa limang libo lamang ang nakakagamit nito.  “Those who served the dynasty and their families,” aniya, ang may pribilehiyong makapasok dito.

“It’s just throwing money out of the window.”  Patapos na pahayag ni Kim K. I.

Walang awang liderato

Upang mapagtibay ni Marshal Kim ang kaniyang kapangyarihan sa partido at sa sandatahang lakas, kamay na bakal ang kaniyang pinairal.  Halos kalahati na ng liderato ng kaniyang sandatahang lakas ang kaniyang pinapatay—mga taong kumokontra sa kaniyang patakaran.

Taong 2013, nakita ng buong mundo kung ano ang tunay niyang pagkatao.   Hinatulan ni Marshal Kim ng parusang kamatayan si General Jang Song Thaek, ang kaniyang tiyo, sa salang ‘attempting to overthrow the state.’  Ayon sa Wen Wei Po ng China, ang parusang kamatayan kay Thaek ay pagpapalapa sa mga gutom na aso.  Ipinakita niya ito sa kaniyang mga tao upang magsilbing babala at huwag nang tularan.

Maraming kahiwagaang pang bumabalot sa North Korea ang hindi nalalaman ng mundo dahil ayaw nilang ipaalam ang hinggil sa madilim na parte ng kanilang bansa.  Kabilang pa rito ang mga sumusunod:

Pagnanakaw sa sariling estado.   Ayon kay Kim Kwang Jin, isang refugee at dating opisyal ng ‘finance department’ ng North Korea, ‘dalawa’ ang ekonomiya ng NoKor.   “The People’s Economy for the general public, and the Royal Court Economy, for the dynasty.  The problem begins when Kim Jong-il started using public funds as his own property.   He used the money for ‘gift-politics’ and other military projects.  The Royal Court Economy expanded at the expense of the People’s Economy.   It is a parasite that keeps a straw into the People’s Economy and sucks out the flesh—it’s like a cancer on socialism.”  Patapos na pahayag ni Kwang Jin.

Bawal mag-angkat—nakamamatay.   Mahigpit na ipinagbabawal sa mamamayan ng NoKor ang mag-angkat ng kontrabando, lalo na ang mga produktong nanggagaling sa South Korea.  Parusang pagkakakulong o kamatayan ang kapalit nito.  Subalit si Kim Jong Un, sabi pa rin ng dating bodyguard, ang pinakamalaking ‘smuggler’ ng kaniyang bansa.  Nagmamahalang kotse, koleksyon ng mga relo, alak, sigarilyo at mga foreign films na ipinagbabawal sa merkado ng NoKor—lahat niyan ay meron si Marshal Kim.

“He decrees that no products especially from South Korea may not enter the country, and yet he patronize foreign brands especially American’s.”   Patapos na pahayag ni Kim K.I.

Ang nakakatakot na army ng NoKor.   Ang North Korea ay isa sa may pinakamalaking bilang ng sundalo sa buong mundo.  Dahil sa dami ng kanilang sundalo na umaabot na sa bilang na 1.2 milyon, at masikretong bilang ng gamit pang-digmaan, at ang pagkakaroon ng panatikal na lider, ang North Korea ay itinuturing na kasama sa ’10 hardest countries to invade.’

Kung mayroon mang makakatalo sa mga sundalo ng North Korea, ayon sa mga nakapag-obserba rito, anila, hindi manggagaling sa labas ng bansa, kung hindi sa loob mismo ng kanilang teritoryo—Ang gutom.

Ayon kay Japanese filmmaker Jiro Ishimaru kung magkakadigmaan ngayon, mahihirapang lumaban ang mga sundalo nito dahil kulang sa nutrisyon.  “If they fight now, they will die, not because of the war, but because of poor physical condition and no fit state to fight.  There is not much good stocks to plant because every penny was diverted to the missile programs, and it’s not cheap.  No food .”  Sabi ni Ishimaru.

“People are getting hungry, and hungrier.  Even if they solve the problems of hunger in the people, there are too many soldiers to feed,” ani Ishimaru sa dyaryong the Guardian, “by the time military officers have taken their provisions to sell for profit, nothing is left for ordinary soldiers.  Whatever happens to this ‘unknown country’ ruled by a young marshal is anyone’s guess.”