Ni: Pastor Apollo C. Quiboloy
Mahal ko si Jesus Christ, dahil tinuruan niya ako na ang dakilang kapangyarihan sa mundo ay pag-ibig. Nang ako ay may isang kapitbahay at nagtanong ako sa kanya at nangangailangan siya ng isang bagay na meron ako, hindi niya kailangan magtanong sa akin.
Ako ang unang magtatanong sa kanya, “Paano kita matutulungan?” “Oh, Pastor, ang aming relihiyon ay hindi..”“Wala akong pakialam sa relihiyon, nagmalasakit ako sa iyo.” Kayo ay nilikha ng Ama. Kayo ay anak ng Panginoon. Kayo ay nalinlang at binugbog ng kaaway. Papasanin ko kayo sa aking mga bisig kapag kayo ay nagutom.
Mangag-ibigan sa isa’t isa
Dalhin sa akin ang mga nagugutom na bata, at kapag may paraan ako sa pagpapakain sa kanilang lahat, gagawin ko. Dahil naniniwala ako sa kaliwanagan, naniniwala ako sa Salita ng Panginoon.
Juan 13:34-35: “Isang bagong utos ang sa inyo’y ibinibigay ko, na kayo’y mangag-ibigan sa isa’t isa: na kung paanong iniibig ko kayo, ay mangag-ibigan naman kayo sa isa’t isa. Sa ganito’y mangakikilala ng lahat ng mga tao na kayo ay aking mga alagad, kung kayo’y may pagibig sa isa’tisa.
Mag-ibigan sa isa’tisa ay hindi lamang sa Kaharian. Ito’y hindi lamang sa mga miyembro ng Kaharian. Ang pag-ibigan sa isa’tisa ay hindi inuuri kayo na kailangang maging miyembro ng Kaharian para ibigin ko kayo. Ang pag-ibigan sa isa’t isa ay para sa sangkatauhan kabilang na sa mga hindi karapat-dapat na ibigin. Ibigin ang hindi karapat-dapat na ibigin.
Marcos 12: 29-30: “Sumagot si Jesus, ang pangulo ay, Pakinggan mo, Oh Israel; ang Panginoon nating Dios, Ang Panginoon ay iisa: At iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo…”
Ibigin ang Panginoon ng buong puso ay pagtalima sa anumang Kanyang sinabi. Tumalima sa Kanyang mga utos. Itong nagpapakunwaring relihiyon sa Kapanahunan ng Simbahan (Church Age), hindi nila tinuro ‘yan. “Ibigin ang Panginoon ng buong puso.”At sinabi ng Panginoon, “Ako ay iisa.”Ang Panginoon nating Dios ay Iisa. Ano ang kanilang ipinamalas? Ang pagkasuklam ni Satanas dahil nasusuklam si Satanas sa Panginoon na siyang lumikha sa kanya. At kanyang sinalungat ang lahat ng bagay patungkol sa Panginoon.
Nang sinabi ng Panginoon, “Ako ang Holy One.”Sinabi ni Satanas, “Ikaw ang Holy Three.”
Meron lamang iisang Panginoon. Sinabi ni Satanas, “Hindi, merong tatlong panginoon o limang panginoon.” “Narito ang dalawang panginoon. Ang junior at ang senior.” “Ito ang tatlo.Saan ako dadalangin?“Labinlimang minute sa Panginoong Ama, Panginoong Anak, Panginoong Banal na Espiritu.” “Bakit?” “Baka magseselos ang isa sa isa pa.”
Lubos na matapat sa salita
Tingnan kung ano ang itinanim ninyo sa mga isipan ng tao. Iyan ay ang kalituhan. Iyan ang kadiliman na nais na alisin ng Ama sa inyong isipan. Kung mayroong isang tao ang dapat na magsisi, ito iyong mga lider ng mga Kristiyano sa Simbahang Kapanahunan. Kayo ang dapat na magsisi dahil hindi ninyo sinunod ang anumang Kanyang sinabi. Kaya angKaharian ng Panginoon ay inalis mula sa inyo at ito ay ibinigay sa akin. Dahil hindi ninyo sinunod ang Kanyang mga Salita. Sa katunayan, nangingilala kayo ng mga tao. Kung hindi sila napabilang sa inyong relihiyon o uri, hindi ninyo sila kinilala. Lalo na kapag hindi sila sa Kristiyanong relihiyon at maging ako hindi ninyo ako kinilala.
At ako ang taong nagtuturo patungkol sa Salita ng Ama, na dapat nilang sundin. Kahit ako ay hindi ninyo kinilala dahil matapat kayo sa inyong relihiyon. Hindi kayo matapat sa Salita ng Panginoon. Hindi kayo matapat dahil hindi ninyo sinunod ito. Kaya inalisa ng Kaharian mula sa inyo at ibinigay sa akin. Ngayon ay hindi kayo pinayagan na gamitin ang Kanyang pangalan. Ako lamang ang pinayagan na makagamit sa Kanyang pangalan, ako lamang ang pinayagan na makagamit sa Kanyang mga Salita. Dahil matapat ako sa mga salitang iyon. Matapat ako ng lubos sa pagsunod sa mga Salitang iyon.
Ang kahat ng ating kailang ay Pag-ibig
Hinayaan ng Ama na makapakinig ang lahat ng tao sa akin dahil inibig ng Ama sila. Ano ang makapagliligtas sa kanila? Ang pag-ibig ng Ama at ang pag-ibig sa pagtalima sa Kanyang mga Salita. Tingnan ang aming nakaraang ICD (International Children’s Day), ano ang aming tema?
“Lahat ng ating Kailangan ay Pagibig.”
Iyan ang kailangan natin sa mundongayon. Ang pag-ibig ay sinakal ng demonyo. Pinukaw ng demonyo ang kanyang mga anak at naglagay ng apoy sa kanilang mga puso. Hindi iyan apoy ng pag-ibig, ito ay ang apoy ng pagkasuklam, ito ang apoy ng kapaitan, ito ang apoy ng sama ng loob, dahil sila ay inapi at walang nagmamahal sa kanila. Ang pag-ibig ay sinakal at ang apoy ng pagkasuklam at ang apoy ng kapaitan at ang apoy ng karahasan ang siyang pinukaw.
Ngayon narito ako upang patayin ang apoy ng pagkasuklam at kapaitan sa inyong mga puso. Kung hindi kayo makakatagpo ng pag-ibig sa inyong komunidad. Kung hindi kayo makakatagpo ng pag-ibig sa inyong nagpakunwaring simbahan. Pumasok sa Kaharian, hanapin ako, dahil ang akingpuso ay napupuno sa pag-ibig. Inutusan akong mahalin kayong lahat. Ano ang sinabi ng aking Ama?
Juan 3:16: “Sapagka’tgayonnalamangangpagsinta ng Dios sasanglibutan…”
Sapagka’t gayon na lamang ang pag-ibig ng Ama sa sanlibutan, na Kanyang ibinigay…(sa modernong panahon) ang Kanyang Hinirang na Anak, kung sinuman ang mananampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi ay magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Ito ang pag-ibig sa aking puso na nagawa kong ilaan ang Abril 25 na maging International Children’s Day. Saan man may mga bata, at kahit hindi lamang bata kabilang ang mga magulang, at ang mga kamag-anak ng mga bata na nagugutom, na walang pagkain, dahil maraming mga taong gahaman sa mundo na nais na makapag-ipon ng kayamanan. Nagpapalawak ng kayamanan para lamang sa kanilang sarili at ayaw nila itong ibahagi sa iba. Ang mga tao ay namamatay sa tabi nila. Marami silang mga pagkain, ngunit hindi pa nga sila makapagbahagi sa mga taong naroroon, namamatay sa karukhaan.
Hali kayo sa Kaharian. Kami ay napakayaman sa pag-ibig. Sa pag-ibig sa maralita. Hindi lamang sa aming bibig. Hindi naming titingnan ang inyong mukha at estado sa buhay. Hindi naming titingnan anuman ang inyong relihiyon upang kuwalipikado kayo sa aming pag-ibig.
Tatanungin ko lang kayo, “Tao ba kayo”
“Opo.”
“Halikayo ditto iibigin ko kayo.”
(Itutuloy)