NI: Pastor Apollo C. Quiboloy
ANG pag-ibig sa pera at ang pag-ibig sa anumang nilikha ng Panginoon na sinira ng tao.
Kaya sinabi nilang, “May taong pareho saiyo Pastor?”Oo, maniwala kayo sa akin. Ito ang bagong tao. Ito ang bagong mundo. Ito ang mundo na may pag-ibig na tunay. Sinabi niya, “Nakikita ko ang pag-asa saiyo Pastor, dahil lahat ng mga tao na nasalubong ko ay may pag-ibig din. Ngunit, nakita ko ang kanilang pag-ibig ay hanggang sakanilang bibig lamang. Anuman ang makukuha nila mula sainyo, iibigin nila kayo.”Sinabi ko, “Halimbawa?” May isang propesyunal na doktor, hindi lahat ng doktor ay masama, halimbawa lang ito. Sinabi ng doctor na inibig niya ang pasyente dahil tumanaw ito sakanya.
Sinabi niya, “Inibig kita kaya pagagalingin kita.”Nang nilunasan ang pasyente, ang alam nito isalang ang sakit niya, ito ay naging tatlo. “Dok, bakit ngayon tatlo na ang sakit ko?” “Apat nga ito. Kaya dapat na malunasan.”Nilunasan siya, at binigyan ng maraming gamot. Ang mga gamut naiyon ay mga sampol kung saan binibigay ito ng pharmaceutical sa doktor. Kapag mas marami ang bibilhin ng pasyente, mas lalaki ang komisyon ng doktor.
Tingnan ang mga tao sa ospital. Sa mga pasyente ng naghihingalo na may isang taong naka tayo sakanilang tabi, “Inibig ko ang taong ito. Kaya binabantayan ko siya.” Sakatotohanan binabantayan nila dahil kapag namatay, meron silang koneksyon sa funeral parlor at sila ay may komisyon.
Anong klaseng pag-ibig ‘yan? Huwag ninyo akong ibigin dahil sa komisyon.
ANG DAKILANG AMA ANG SIYANG NAGBIBIGAY NG PABOR
Napagkamalan din ako nito. Ngunit ganyan ako kasinsero.“ Ibigin ang kapit bahay kagaya ng pag-ibig sa sarili.” Inibig ko kayo nais ko kayong tulungan. Kapag inibig ko kayo, nais ko kayong tulungan, gaya ng binubuksan ko ang sarili ko sainyo. Buksan ko kahit laman loob ko sainyo. Ganyan ko kayo ka mahal. At minsan mali ang pagkaunawa ng mga tao. “Bakit kaya inibig niya ako ng ganyan? Wala akong ginawa sakanya namaging karapat dapat sa ganitong klaseng pag-ibig. Siguro may gusto siyang makuha sa akin. Nais niya ng ilang pabor mula sa akin.”
Baliw kayo! Hindi ako nangangailangan ng pabor. Hindi ko kailangan ang anumang kabayaran. Dahil ang nagbibigay ng pabor at nagbigay ng kabayaran sa akin ay ang aking Dakilang Ama. Ang kailangan kolang ay tumulong. Ito ay nangyari rin sa denominasyon ko noon. Sinsero ako sa lahat ng bagay na ginawa ko dahil isa akong sinserong tao. Kapag ginawa ko ang isang bagay para sa Panginoon, ginawa ko ito na hindi nagpapalugod sa tao. At puno ako sa Banal na Espiritu ng Panginoon. Puno ng Banal na Espiritu sa pagsusunod sa Ama. Puno ako ng Bunga ng Espiritu, Pag-ibig, Katuwaan, Kapayapaan, Kabaitan, Pakumbabaan, Kabutihan. Alamba ninyo ano ang sinabi ng mga tao sa akin ng pinakita ko ang mga Bunga ng Espiritu? “Bakit napakabait mo sa amin, sa akin?” Ito ang mga Amerikano ng nagmumula sa Amerika. “Hindi kami karapatdapat sa kabutihang ito. Anong kailangan mo? Green card?” Nang marinig ko ‘yan, nag-iinit ang aking tainga at ang aking ngiti ay nagingismid.
ANG AKING EDIKTO
Ako ang pinaka sarkastikong tao sa mga taong kagaya niyan. Akala nila na kapag gumawa ako ng kabutihan ay nangangailangan ako ng kabayaran. Niloloko niyolang ang sarili niyo kapag ginawa niyo ‘yan. Dahil kong gusto ko ng isang bagay bilang kabayaran, hindi ‘yan isang maliit na bagay. Ito ay malaking bagay. At alam kona hindi ninyo ito mabibigay. “Gusto ninyo ng kabayaran? Hihilingin ko sainyo ang Super Jumbo 380. Magawa niyo ‘yan?” Kaya huwag mag-isip ng ganyan.
At sinabiko sakanya, “Nakikita mo ang lahat ng bagay na nakikita mo dito sa Kaharian. Nakita mo ang lahat ng mga materyal at pisikal at pinansyal na mga bagay dito na hindi ko hiningi sa tao. Hindi ako humingi sa tao. Kung meron man akong hihingian ng pabor at pag papala ito ang aking Dakilang Ama ang siyang nag bigay sa lahat ng ito. Hindi ko kaliangan ang iyong pabor. Hindi ko kailangan ang iyong pera. Hindi ko kailangan ang kabayaran.” Alam ninyo, diyan ako nagagalit pagka ginanyan ako. Tumutulong ako, pagkatapos pagdudahan pa ako na may kailangan ako. Tumutulong ako.‘ Yan ang tanging gusto ko, dahil, “Ibigin ang iyong kapwa kagaya ng inyong sarili,” ang aking edikto. Ito ang aking batas. Kung gusto ko may kotse ako, gusto ko may kotse karin. Gusto ko masarap ang buhay ko. Gusto ko masarap din ang buhay mo. Gusto ko nasalangit ako, gusto ko sa langit din kayo. Kung busog ako, gusto ko busog din kayo. Kung may damit ako ng magara, gusto ko magara rin ang damit ninyo. Iyan ang aking batas.
Tingnan ang mundong ito nawalang alam sa Kalooban ng Ama. Lahat ng nalalaman nila ay ang katakawan. Lahat ng nalalaman nila ay ang katakawan at ang makasarili. Inaapakan ang bawat isa. Apakan sila. Crab mentality dito at doon. Inggitan, selosan. Hindi iyan ang aking mundo. Iyan ang mundo ng demonyo. Meron akong bagong mundo dito. Ito ang mundo ng mga bunga ng espiritu. Ito ang atmospera ng Kaharian ng Langit. Pumasok kayo rito, ang espiritu ay pareho kapag pumunta kayo sa mga KLC sa Los Angeles, sa New York. Ang espiritu ay pareho sa kahit sa ang komunidad ng Kaharian. Ganito dapat ang inasahang mangyari sa mundo.
Ganito dapat ang espiritu ng mundo ng ito na inasahang mangyari. At magagawa lamang natin ‘yan kung inibig natin ang Panginoon. Ibigin ang Panginoon. Huwag baguhin ang Kanyang mga Salita. Kaya kayong mga nasa denominasyon sa Church Age na ‘yan, gumagawa kayo ng sarili ninyong batas upang paghati-hatiin ang mga tao. Nangangaral kayo na parang kung sinong nakakilala sa Diyos. Nagpapalayas kayo ng demonyo na akala ninyo sino kayong mga espirituwal. Nag-speak in tongues na akala ninyo sinong mga espirituwal. Hindi na nila kailangan na magpapaturo ng Salita ng Diyos dahil espirituwal na sila, ligtas na sila. Nais ko kayong gisingin. Hindi pa kayo ligtas. Halikayo at makinig sa akin. Salat kayo sapag-ibig. Walang pag-ibig diyan. Hindi ninyo sinunod ang kanyang mga salita.
(itutuloy)