Super excited na si Angelica Hale, ang Filipino-American contestant na sasabak sa nalalapit na finals sa nagpapatuloy na America’s Got Talent.
Sa kanyang video na pinost sa facebook, ramdam ang kasabikan ng dalagita dahil isa siya sa mga semifinalist na magpeperform this coming September 12.
Hindi man niya sinabi kung ano ang kanyang kakantahin, ngunit tiniyak niyang magiging amazing at powerful ang kanyang performance.
Matatandaang unang pinahanga ni Angelica ang mga hurado sa kanyang rendition ng Rise Up noong nag-audition ito.
At nakakuha ng golden buzzer sa kanyang hindi matatawarang perfomance sa awiting Girl on Fire.
At nito lamang quarter finals, nakuha niya ang boto ng America matapos kantahin ang Clarity.