PINAS

Batang ipinanganak na walang mga kamay at paa, nanalo sa swimming contest

Hindi sumuko sa hamon ng buhay si Jhonalyn Hernando.

Si Jhonalyn ay ipinanganak na walang mga kamay at paa, pero hindi ito naging hadlang sa kanya upang masungkit ang panalo sa Palarong Pambansa sa larangan ng swimming.

Si Jhonalyn ay pang anim sa pitong magkakapatid.

Aminado si Nenita Hernando, ina ni Jhonalyn, na nung unay hindi niya matanggap kung bakit hindi ipinanganak na normal si Jhonalyn, pero hindi nila alam na ito pala ang magbibigay ng karangalan sa kanilang pamilya.

Malaki rin ang pasasalamat ni Jhonalyn sa hindi matatawarang suporta na ibinibigay ng kanyang pamilya.

Sa ngayon ay pangarap ni Jhonalyn na makapasok sa Paralympics.