PINAS

BBL, posibleng maisantabi dahil sa ‘cha-cha’

Pinas News

Posibleng maisantabi ang Bangsamoro Basic Law sa kabila nang sinertipikahan ito na urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay matapos sabihin ni Dating Chief Justice Reynato Puno na kailangang unahin muna ang charter-change para sa pagpapalit sa federalismo mula sa unitary form of government na sa kasalukuyan.

Ayon kay Puno, walang kapangyarihan ang kasalukuyang form of government ng bansa para magbigay ng identiy sa mga muslim base sa hinihiling nila.

Gayunpaman payo ni Puno na bago baguhin ang 1987 Constitution ay kailangan munang pagaralan ito ng mabuti ng isang consultative committee.

Una nang inilabas ng pamahalaang Duterte, ang Executive Order No.10 na siyang bubuo ng 25-Member Consultative Committee para pag-aralan ang 1987 Constitution para sa pag-amyenda nito.

Wala ding pormal na imbitasyon kay Puno para mapabilang sa consultative committee hanggang sa ngayon.