PINAS

BOC, gumawa ng solusyon sa kaso ng ‘smuggling’ at ‘drug-trafficking’ sa NAIA

Pinas News

Upang matugunan ang patuloy na pagtaas ng mga smuggling at drug trafficking sa mga paliparan sa bansa

Nagdagdag na ang Bureau of Customs (BOC) para sa tatlong terminal ng Ninoy Aquino International Airport ng 19 na x-ray machines.

Kabilang na rito ang 10 brand new units ng Fixed Baggage  X-Ray Machine, pitong brand new units ng Hand Carried Baggage X-Ray Machines at dalawang bagong units ng mobile X-Ray Machines.

Ayon kay Customs Chief Isidro Lapeña na ang mga naturang equipment ay sapat na bilang bahagi pa rin sa mga pahayag at utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na kailangan pang buksan ang mga bagahe ng mga pasahero sa paliparan.

Dagdag pa ni Lapeña,  ang dalawang units ng naturang machines at isa pang unit ng bagong rapid scan X-Ray Machines ay nailagay na sa Terminal 1 at 3 , habang ang 16 pang natitirang x-ray ay ay ikakabit pa lang sa tatlong terminal sa NAIA.