Nakiisa na ang China at ang Russia sa desisyon ng United Nation na magpatupad ng panibagong sanction sa North Korea matapos ang ikaanim at pinakamalaking nuclear test nito.
Bumoto ang konseho ng United Nation ng sarado 15-0 bilang pagsuporta sa sanction upang ipagbawal ang pag-export ng coal, lead at seafood sa Pyongyang.
Sa panibagong sanction na ito ng North Korea ay kabilang rin ang oil embargo at panibagong kautusan ng pag-freeze sa mga assets ni Kim Jong Un.
Matatandaan namang una nang nagpahiwatig si US Pres. Donald Trump na puputulin nito ang ugnayan sa mga bansang patuloy na makikipag negosyo sa North Korea.